Rosemarie Maybituin Ejada

Profile Updated: March 9, 2009
Rosemarie Maybituin
Spouse/Partner: Joey EmpeƱo Ejada
Occupation: Full-time perfect mother to my gifted child
Children: John Kenneth, born 2001
Yes! Attending Reunion
Comments:

Share speech: Guest Speaker last March 29,1999
Gama Elementary School
"To all teachers, parents, visitors, the graduates, a pleasant Good Afternoon. Thank you for a nice recognition. It's an honor that you're invited me this kind of occasion. Sa totoo lang, at inaamin ko, Public Speaking is my weakness. Ngunit dahil sa inyong tiwala at pagpili bilang inyong Panauhing Pandangal at sa Gabay ng Maykapal ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsalita sa harap ng maraming tao upang maghayag ng ilang mahahalagang mensahe para sa magsisipagtapos at sa kabataan na rin.
Una, nais ko munang ibahagi ang ilang kasaysayan ng aking buhay dahil habang ako'y nandirito, I remember my Elementary days. Gaya ninyo, nagtapos rin ako sa paaralang ito, na nagkakamit ng mga karangalan mula Grade 1 to Grade 6. Biro nga ng lola ko, pinapagod ko siyang umakyat ng entablado para lang magkabit ng mga natamo kong karangalan. At isa rin akong pinipiling ilahok sa mga Quiz Bee Competition ng mga guro mula Grade 1 to Grade 6. Binabati ko nga pala ang mga teachers ko noon na nagtuturo pa rin hanggang ngayon, sina Mam Lydia Bernal, Sir Rolando Agacoscos at Mam Norma Rodriguez at ang mga natatanaw kong mga kaklase noon na sina Jean Maya, Desiree Mercurio at Edna Merete.
Nais ko rin ipakilala at ipaalam na ang mga lolo at lola ko na sina Mr. and Mrs. Juanito Maybituin ang siyang tumatayong mga magulang ko. Ang laki ng pasasalamat ko sa kanila dahil kung hindi sa kanila ay hindi ko maaabot ang isa sa aking mga pangarap. Sila ang nag-alaga at pinaaral mula Elementary at tinutustusan ang ilang pangangailangan ko sa kolehiyo. Alam ninyo hindi hadlang ang kahirapan kung nais niyong makatapos ng inyong pag-aaral. Gaya ko, pinagsikapan kong makatapos, dahil may sakit ang tatay, may pamilyang iba ang nanay ko. Maliban sa binibigay ng mga lolo at lola , nag-working-student ako. Ako'y nakatira sa mga kamag-anak ko habang ako'y nag-aaral noon, sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gawaing-bahay at pag-alaga ng bata ang pakikisama ko sa kanila at payo na rin ng lola ko na kailangang magtiis kung nais makatapos dahil mas mahirap kung sa ibang bahay ako makikitira.
Kaya maswerte kayo na buo at may masayang pamilya. Nag-aaruga at patuloy na sumusubaybay mula bata hanggang ngayon kayo'y malaki na ay kapiling nyo. Bilang ganti, maging masunurin kayo sa inyong mga magulang dahil parents knows best for their children. Bigyan ninyo ng kasiyahan ang inyong mga magulang. Tuparin ninyo ang maganda nilang pangarap sa inyo. Huwag kayong makakalimot tumawag sa ITAAS at patuloy pa rin ang inyong kababaang-loob upang lalo kayong pagpalain.
Sa mga magsisipagtapos dito sa Gama Elementary School, my warmest Congratulations and best wishes to you.
Ngayon , nasa inyong mga kamay ang humahalimuyak na pag-usbong ng mga kaalaman, kakayahan, personalidad at kagandahang-asal.
Bilang Magsisipagtapos, ang inyong kakayahan at pinag-aralan ay inyong maging pinagkukunang-lakas at pag-asa. Sa mga pinapakita ninyong kakayahan at talento, you can become proud and productive members of society na may magandang pananaw sa kinabukasan.
Sa panahong ito, may mga samahang kabataan na nagpapakita ng galing at talino through sports, arts at siguro kaya naman aiming for higher learning and try your worth in the next school years.
Sa inyong pagyapak in the next school level, kayo'y mahaharap at makakaranas ng mga pagsubok at mga karagdagang kaalaman na siyang maging hamon sa inyong personalidad at kakayahan to make yourself more competitive.
As fresh graduates, kayo'y punung-puno ng nga ideolohiya at pag-asa. Ipakita ninyo ang inyong kakayahan o kaalaman sa larangan na kayang niyong gawin. Na kaya niyo maging isang magaling na Guro, Inhinyero, Doktor, Singer, Abogado o isang magaling na basketball player pagdating ng araw. Do not lose your Idealism. Tuparin natin ang pangarap at pananaw ni Gat Jose Rizal na ang Kabataan Ang Siyang Pag-asa Ng Bayan.
Muli, maraming salamat and God Bless..."
----------------E.N.D.-------------------------

Rosemarie's Latest Interactions

Hide Comments
Apr
12
Apr 12, 2024 at 4:33 AM
Apr 12, 2023 at 4:33 AM
Apr 12, 2022 at 4:33 AM
Apr 12, 2021 at 4:33 AM
Apr 12, 2020 at 4:34 AM
Apr 12, 2019 at 4:33 AM
Apr 12, 2018 at 4:33 AM
Apr 12, 2017 at 4:33 AM
Apr 12, 2016 at 4:33 AM
Apr 12, 2015 at 4:33 AM
Hide Comments
Posted: Mar 09, 2014 at 12:00 AM
Posted: Mar 10, 2014 at 12:00 AM
Me and my loving and responsible husband
Posted: Mar 10, 2014 at 12:00 AM
Posted: Mar 10, 2014 at 12:00 AM
My "special and gifted child"
Posted: Mar 10, 2014 at 12:00 AM
Posted: Mar 10, 2014 at 12:00 AM
Posted: Mar 10, 2014 at 12:00 AM