Message Forum


 
go to bottom 
  Post Message
  
    Prior Page
 Page  
Next Page      

09/04/10 02:13 AM #197    

 

Cristina Espinosa (Mina)

Philemon 1:4 pala yun, correction. Labo na kasi mata ko,he!he! Kainis nga, kung kailan malabo na mata ko tsaka pa natutong magbuklat ng BIBLE. Not too late, i guess.............. Luv u all. Have a happy weekend with your loved ones.


09/04/10 02:30 AM #198    

 

Cristina Espinosa (Mina)

Naku Ana, parang naririnig ko pa tawa mo. Yung tawa na may kasama ng iyak,he!he! Lagi ka namang ganun pag natutuwa. The last time I saw u was nagkasabay tayo sa bus, from Manila pauwi tayo ng Gapo. Ist year or 2nd year college na tayo nun. Do you still remember halos bulabugin natin loob ng bus sa kakatawa dahil sa exchange ng mga makukulit na experiences natin, di ko na matandaan yung ibang chika natin, isa lang natatandaan ko na tuwang tuwa ako........ yung may popormal sa yo, syempre wait to death ka, then eto na dumating na sya,

sapatos....puti

pantalon.......... puti

t-shirt.......... puti pa din  with logo ba yun ng sardinas o sabon tapos nakatupi ang manggas,  

bwahahahaha!!!!!!!!! I'm sure di naman siya yung ang naging husband mo. Naalala mo?  Say "hello" and HUG everyone for me sa mga makakapunta kina Leila. Enjoy. God bless u all. Mwah!


09/04/10 11:57 AM #199    

 

Cristina Espinosa (Mina)

 

 

                   Have a blessed SUNDAY everyone!


09/05/10 03:03 PM #200    

Ana Alver (Maniwang)

Iti,u still remember that? mabait talaga ang Diyos haindi sya ang napangasawa ko. Alam mo di ko na maalala yon na nagkasabay tayo sa bus,hay buhay umaatake na naman ang alzheimers ko lumalala na yata. we had blast yesterday kina leila,attendees are Mercy(Efipane),Beth Fermin,Rose Arce, Sara,Stephanie Peralta,Tholites With respective families.a lot of picture taking, we talked to thek via skype,and Ludy via phone.There were lots and lots of food,our kids went to the mall naingayan siguro sa amin .we talked about the reunoin ,details ,suggestions,what we can possibly give....and whose going home....inggit na naman ako, trying to convince my hubby na ako na lang uuwi like leila and Doris and sara. With God's grace sana lahat kami ang saya yata ng  x-mas sa atin kahit wala kang handa basta mkita mo lang ang family mo busog ka na.How's warren's chemo? hope and pray he's A ok at ikaw walang puwang ang stress ngayon dapat laging naka smile.check our pics on fb ni load yata yata ni Ted (hubby ni Leila) last night.bye see yah.....


09/05/10 11:04 PM #201    

 

Rosemarie Arce (Peck)

Hi to all,

musta na kayong lahat dyan? Ito nag ka time akong mag apload ng bago namin picture sa mini reunion namin kahapon sa Temecula.Ang saya namin katulad nga ng sabi ni Ana at Sarah marami rin kaming napag usapan about our reunion sana nga lahat makapunta inggit ako pero alam ko lahat kayo dyan sasaya,masaya narin ako. Ludy thank you sa lahat ng mga effort ninyo dyan say hi mo na lang ako sa kanila.

Justo,musta ka na rin ,Cristy sayo din tatagan mo lang lagi ang loob mo okay lang yon minsan na naiilabas mo ang nasa loob mo.Tao lang din tayo.God is with you always..

hi Marites , Marilyn,Ana, Renato  at sa iba na masisipag mag post musta sa inyo uli.Ingat kayo dyan..O cg back to work uli ako.


09/07/10 01:23 AM #202    

 

Carlito Tenollar

 man, this is awesome! so happy to see the website rolling! i (being one of the tamad moderators) just pop up at times and really have no time to browse but thanks guys for keeping it up with your postings. i'm just so happy, that reading through your posts, the site has become a place to find encouragement, strength and support for each other, whether the posting are kind a serious. comedy or nang-aasar lang! just keep them coming!

 

regards everyone! hope you're all having a blast wherever you are!


09/07/10 08:16 AM #203    

 

Ludivina Lopez (Carballo)

tolights, oo nga tamad kanga na moderator parang last year ka pa nag post her, jokes...he he he...

ay kahit di ako kasama sa US nung reunion nila parang feel ko kasama ko sila , kasi naman 6am nagising na ako eh waiting for their call...sa sobrang tuwa ko, OVERWHELMED AKO SA PRAISE AND WORSHIP (" WORTHY IS THE LAMBBBB....", HIGH AND LIFTED UP..! ") namin sa church NAUUNA AKO KUMANTA,he he he tuwang tuwa ang spirit ko kasi, sabi ng praise team hoy, ano ba sobrang nauuna ka, tawa kami ng tawa, nawala ang lungkot ko sa hubby ko...sa narinig kong mga boses ng mga bruha, ang iingay eh... lahat gusto magsalita..parang si letay at si lea cruz nung kausap ko nun.. sa sobrang tawa di namin alam kung ano pinag uusapan namin.ha ha ha ha...itty o ayan ha, pinapatawa ka namin lagi kasi lam ko nakababad ka lagi dito sa pc , magtrabaho ka! ako malapit ng masipa, wala na akong ginawa kundi tumawag sa mga hotel dito sa sbma at kung saan saang stores na matatagpuan ang mga needs natin ...wahhhhhhhhh antaas ng ng anxiety level ko habang parating na ang reunion... di bale andyan naman ang mga kapuso na laging ask ano help pwede nila gawin..

ganda ng pics ninyo rose, thanks for sharing. tolights nasan nga pala mga kids mo...naingayan sa inyo?

oyyy, mga friends natutuwa ako sa mga posting ninyo here tama kayong lahat nagiging source of encouragement nating lahat ito...keep it rolling... walang asaran...pwde rin wag lang pikon...he he parang ako yun?

God bless batch 84, sarah will announce by next week lahat lahat lahat...okey?

itty i will call you next week, i will attend a conference sa makati posibleng mag sleep ako there, itaon ko na week end para makapasyal ako, i will call coralyn first.. di ko lam sa inyo eh... pero dora the explorer ako makakarating ako dyan tyak..

love you guys.

09/07/10 09:14 AM #204    

 

Cristina Espinosa (Mina)

Talaga, Ludy! Cge kita kits tayo nila Kuling para maiba naman araw ko. Sana matuloy :). Wala lang picture taking ha, kasi pakiramdam ko mukha akong mangkukulam ngayon,hi!hi!hi!

Hello sa lahat! Regards and GOD bless us all.


09/09/10 01:37 PM #205    

 

Justo Santos

Kumusta na ulit sa lahat. Sorry at di me nakarating sa mini reunion kina Leila. Di pala ako naka book flight. Akala ko kc me Cebu Pacific na papunta sa US. hehehehehe.

Tolights, nabulok na application ko. Baka retire na ako, di pa ako makakapunta diyan.

Sobra pressure sa work. Dami deadlines lately. A lot of overtime. Me kumot at unan na nga sa office.

Anyway, good to hear from all of you. Don't let things we cannot do stop us from doing things we can. Good day.

 


09/09/10 04:01 PM #206    

 

Elizabeth Fermin

 Justo hinihintay ka nga ni Mercy Mesiano eh, sabi mo raw darating ka. Ikaw talaga drawing, hahaha!


09/09/10 09:29 PM #207    

Ana Alver (Maniwang)

 si justo pa medyo mabulaklak ang dila.mga ka bonding busy na naman ba? humihina ang hatak natin,kung kailan marami na tayo saka pa kayo nagbisibisihan .diones renato , willie,marilyn ,marites, merlyn, at alam nyo kung sino pa ,mag update naman kayo .malapit na ang pasko,naamoy kona ang simoy ng hangin,excited ako.gusto laging dec. kasi masaya ang atmosphere at happy din ang lahat.thank God 4 x-mas and 4 every blessing na ibinibigay nya.


09/10/10 01:10 PM #208    

 

Diones Pallones

Hello sa lahat.. medyo nag out of town muna sandali. Pumunta lang sa dagat para maglibang hahaha..

Kita ko nga pictures niyo sa FB ng mini reunion dyan sa CA. Happy ako at nag enjoy naman kayo at madami pang foods hahaha.. Buti nakapunta din si Mercy..

Renato dadami pa ang repair ng katawan natin hehehe..tama sila control lang sa pagkain. Ako din nagcocontrol na din sa foods at medyo dagdag na ng gulay hahaha kasi dati aswang din mahilig sa laman loob at Carnivorous hahaha.. medyo tumataas na din ang blood pressure kaya balik ulit mag gym at mag bawas ng timbang.

Lyn, kmusta? Bagay lagi naman tayong ngchachat sa fb…

Ludz kaya mo yan sa meron naman FB, Yahoo, skype… na magpapahomesick kay roger hahaha..

Siyempre naman magaling si Justo sa Drawing, 3D max  at Auto Cad kasi nga Archie hahaha joke..

God bless sa lahat… Ber naaaaaaaaa..


09/10/10 10:21 PM #209    

 

Renato Garcia

mga batch, heto na ang mga ber at siguro naman ay naaalala nyo pa ang mga nakaraan na karanasan tuwing sasapit ang ber at siyempre ang mga memories na naging part ng buhay natin, alam nyo na yon. Pasensiya na at ngayon lang uli ako nakapag-post dahil inaasikaso ko ang mga nalalabi ko pang medical appointments. Kase nga magre-retire na din ang lolo nyo at stress na naman ang haharapin namin. O sige na at magkwento na kayo ng mga good and bad memories tuwing sasapit ang mga ber at higit sa lahat ang december na may mga tagahanga na nagbibigay ng regalo sa inyo. Peace to all...........


09/11/10 06:35 AM #210    

 

Cristina Espinosa (Mina)

Musta na sa inyong lahat. Cguro matatagalan bago ulit ako makapagpost dito kasi bukas papaadmit ko si Warren, my husband for his chemo treatment. I'm not sure kung ilang araw kami dun. Lately kasi nilalagnat sya at very weak  sya kaya alam ko papalakasin muna sya bago yung treatment. Salamat sa inyong lahat....sa tulong , sa dasal  at pagmamahal kaya naipasok ko ulit sya sa hospital.  Regards and GOD bless everyone!


09/12/10 04:27 AM #211    

 

Marilyn Catunao

To All

Thankful ako dahil dami dami nagpopost dito.

God is truly merciful and gracious.......God is our refuge and strngth mga kapatid......Cristina just cling to the Lord at sa mga iba pang they think tha they cannot handle everything .....God will be in control   just TRUST him......

Without Him wala lahat itong mga ito.....but without our perseverance walang maaaccomplish....

Faith is the essence ot things unseen the substance of things hoped for.....

Glad that the grand reunion is truly almost there na...very exciting talaga.

Ludy,ano nga pala pagagawa mo?Sorry ha talagang graveyard duty ang lola mo....Sarah okey lang yang micro ask ka sa akin if you have assignments ha ha ha.i have micro subjects last year...i can send you notes. ana relax f your body says so..you need it nce in awhile....renato hope you feelin better now...diones wag ka na lagi naman tayo usap sa facebook ha ha ha....Justo nice to see you here ...tholites welcome again sa site ha a ha..ose nakita ko mg apictures niyo you all look gorgeus and happy...

sa iba pang mga classmates merlyn maritess emes,mga di nabanggit just keep the ball rolling..enjoy life........God is good.....

sara ,ludy justo mga pasimuno ng reunion ...i salute you guys....di ko kaya mg effort niyo..ha ha a

sige catch you all later guys,

lyn


09/12/10 07:57 AM #212    

Merlynda Araullo (Flores)

Hello mga kapuso, kapamilya at kapatid. Hay, tagal bago ako nakabisita ulit dito. medyo naging busy sa work at mga gawain sa bahay. marami ring assignment sa school mga bata. Talagang mahirap maging isang ina. Madaling manganak pero mahirap maging isang ina. (Sows, parang commercial lang ah.) Ber na nga, ang pinakahihintay ng mga bagets. hayzzz. sige po, nagpacheck lang ng attendance at matagal din akong absent dito sa site. kabago bago ko absent na agad. hahahaha. Sige, ingat mga kapatid.

 

HAVE A WONDERFUL DAY  TO ALL!!!


09/13/10 12:20 PM #213    

 

Justo Santos

NUONG UNANG PANAHON

Nuong panahon natin, ang computer eh spelling lang. Nakikita lang sa TV. Yun eh kung meron kang TV. Ang usong TV nuon, Sony na 14"colored TV. Bigatin ka na nuon. Kahit grainy siya. Otherwise, yung TV na 12" B&W, Nivico ang brand. Dami nabenta si Nanay nuon nun. Mahilig pa ako manuod ng Sine Siete. Ilan lang ang channel. Di uso ang KAPUSO AT KABAYAN. Student Canteen vs Eat Bulaga pa. Me remote naman. Human remote kasi ask mo someone to change channel for you. Actually, yun ang unang nasisira. Sa kaiikot ba naman eh. Ngayon me Flat TV na. Ang malabo naman eh mata natin.

Walang cellphone. Merong telepono. Banana type. Mahal ngayon yan kasi antique na. Ang local operator eh Piltel ba yun? Susme, maghintay lang ng dial tone, makakatulog ka. Pagka gising mo, bilisan mo dial. Only in the end, busy. So wait ka na naman. By the time makatawag ka, mas maganda pa pinuntahan mo na lang kakausapin mo. It just proves that our feet travels faster than sound.

Walang Internet. Pero mas mabilis pa rin tayo nuon. Kasi uso na talaga tsismis. Bilis kumalat. Isang salita mo lang, broadcast agad nationwide. Yung nga lang, hindi pa international. Wala pa kasi CNN. Chika Nuon Now.

Sa tagal ng panahon natin, dami na revival -- music, movies, etc. Remember "Clash of the Titans?" Assigment pa natin yan as a movie review. Pinanuod sa Kimara Theatre, sa tabing ilog malapit sa Marikit Park. Mind you, mas maganda pa ang ilog nuon kasi although polluted na, at least me tubig pa. Me tubig pa ba ngayon yun?

I don't know kung uso pa "TULA". Okay, Filipino Poem.  Balagtasan anyone? Sus, Rap na po ngayon. Saka di na uso tula, pulos action agad.

Mahilig din tayo sa sports. Mostly outdoor. Basketball, soccer, volleyball. Ngayon, mahilig pa rin. Yun nga lang, either watch sa TV or play sa computer games na lang.

Me gimik naman na nuon. Sam's Pizza at mga Folkhouse ang favorite place. Masaya kapag me mardigrass. I remember, kumain kami sa isang pizza house with some classmates, tapos we found out wala lahat kami pera. Umuwi ako sandali at kupit pa ako kay Nanay. I was with Emesjoy (umuwi, pero tinulugan kami at di na bumalik), Edwin, Roderick and Danilo.

Ang favorite natin nuon, Air Supply. Ngayon, we are very thankful if we could get a really clean Air Supply sa sobra traffic.

Malapit lang bahay sa school. Pero as usual, lagi pa ring late from 1st year to 4th year. Minsan nga, si Sarah pinarusahan ako for being late nung siya ang toka as COCC officer of the day. Pinag Flag ceremony ako sa bleacher. No one is above the rule. Ayun...Natuto ako. Natuto ako na maghanap short cut para hindi mahuli.

Now, malapit lang office sa bahay. 5 minutes walk. Dungaw ka sa bintana, kita na office and vice versa. And yes, late pa rin as usual. Kaya huwag magtataka sa reunion kung late pa rin tayo.

Anyway, memories. Keep it coming people. Good day.


09/13/10 08:58 PM #214    

Ana Alver (Maniwang)

Justo dami kwento mostly di ko alam ,o absent lang ako? PAKIUSAP!!!!!!!! everybody lahat ba kayo alam nyo ang kwentong yan? Close na nga kami ni Derek parang wa sya kwento yan.PAGING batchmates whoever knows where Derek is,pls kindly tell me ,get his cp no. and bahala na wala kasi akong balita.Mga kapamilya, kapuso,kabayan,kabalitaan at kabalitaktakan let me be the ist to merry x-mas and happy new year!!!!!!!!! wa ako kwento may demntia naako 4 give ,pls. refrsh my memory ano pa ba ang di ko alam na unforgettable sa batch natin?


09/14/10 07:25 AM #215    

 

Ludivina Lopez (Carballo)

ha ha ha ha...natawa naman ako sa iyo justo..pero tama nga.. pero sana maagahan natin sa reunion events natin huh remember lumalakad ang oras ng venue fees natin by that time..he he he vivid example si sarah ( ineng depensahan ang sarili..!) sabi ko sa registration day let us start ng 8 am 7 am nandun na tayo... sabi. " ang aga, ! di ba pwedeng 9 or ten na lang he he he... ang reason na lang nya marahil...jet lag... sus antagal namang jet lag nyan kung early december sya uuwi....wehhhhhhhh burog ang sarah.

hindi natuwa lang ako sa pambubulabog ni sarah ng tawag very early in the morning and very late in the night, kasi naman ang oras natin eh tsk tsk tsk....

habang nagyeyelo ako ng anak na me fever, katak kami ng katak ni sarah.... wahhhhhhhhhh muntik ng tumirik ang mata ng anak ko....!!! hindi sa taas ng fever nabuhusan ko pala ng yelo ang mata...he he jokes pinapatawa ko lang kayo,tulad ni justo na late....comer... palagay ko commerce kurso nyan Late commerce..

pero palagay ko ang anxiety level naming pareho ni sarah 7 feet tall na! kawawa lang ang tolights sa amin na aabsorb nya pagtataray ko pag nanghihingi ako ng updates...he he he peace.. kilala naman ako ng mga yan, gagita minsan..

ana, oo nga hoy binigay ko na kaya ang no sa iyo ni derek? di ba, nag update pa yata ako sa iyo na nasa dubai syalast time and nag text sa akin na nasa pinas na sya, wala na store nya sa pag asa. nasa botolan or somewhere in zambales na ang drama nya.

and sa lahat, sana ay makita ko kayo sa reunion.
sarah will officially announced everything, pati namatay na ipis nung nag uusap kaming tatlo ni justo, yung minimeryenda namin habang pinagtutulungan namin si justo, at yun pikunan namin hanggang layasan kami sarah sa chat!!! o di ba documented., funny maraming funny memories itong preparation natin, and im forever grateful na sa pagtanda ko maaalala ko lahat ito at paulit ulit na pagkukuwentuhan tyak.

still here in the house. on leave me patient ako na demanding.

God bless friends,

basha

09/17/10 12:09 PM #216    

 

Carlito Tenollar

 just, alam mo wala yata akong naaalala sa mga kuwento mo. siguro nasa bilyaran lang ako lagi no. naalala ko pala ang madalas na pagtalon namin sa bakod papunta kila blas para mag basketball. siyempre si ibanez and pinakamagaling. si gaudencio magaling din. san na kaya yon? naalala ko noon na tumalon kami sa bakod ni jojo papa tapos nakita kami ni bada. e si jojo ang nasa una kaya siya ang nadampot. ako karipas ng takbo, hahaha! tapos 1st year practice ng cheering squad sa memorial yata yun. parang pinapasaya namin mga patay, ngiiii! 

of course, sam's and chatterbox. minsan, naglalakad kami nila danilo, edwin, derek at dominic sa magsaysay. wala rin kaming pera non. e nakita namin si sir narag. tamang-tama naman na nasa tapat kami ng chatterbox. aba nilibre kami. bait talaga ni sir. dapat makasama yun sa reunion.

i'll try to remember some more memories. 

itty, hang tight! everything happens for a purpose. tough times never last but tough people do. exodus 15:26 "... for I am the God that healeth thee". He doesn't heal just physically but heals all aspects of our lives. may His grace, strength and love continue to surround you and your family.

ciao people,

tholights

  

 

 


09/19/10 03:04 AM #217    

 

Cristina Espinosa (Mina)

Hello everyone!

Umuwi lang ako sandali dito sa haus to get some clothes. Nasa PGH hospital na kasi kami mula noong Tuesday pa (Sep 14). Hindi nachemo si Warren kasi 38 lang ang hemoglobin niya at may infection. Sinalinan sya ng 7 bags ng dugo. Mag-isa lang ako na kasama nya, kaya lakad dito, lakad doon, lahat ako, alam nyo nman pag sa charity. And I've been crying a lot since then. I asked GOD, Kailan ba matatapos lahat to? Tuwing may medical procedures at reseta na ibinibigay sa akin para bayaran, nangiginig na ako kasi alam ko kung magkano lang laman ng wallet ko. Pumupunta ako sa isang sulok tapos iyak ako ng iyak, sabi ko. "Lord tulungan naman nyo kami." Kaya pagkatapos kong umiyak, may sagot na, bigla na lang may magbibigay sa akin, minsan friends, minsan relatives, minsan kahit di kakilala. GOD is good. Tao lang talaga, mahina pa rin ako at times. Sabi ng mga doktor, my husband needs another surgery, naaawa ako sa kanya. Last March lang last operation nya, eto na naman. Please pray for my husband and sama nyo na rin ako. We needed it. Pasensya na po, bukod sa fb, isa na din ito sa comfort zone ko. THanks :)

Salamat, Leah ( Cruz ). May GOd shower you and your family with more blessings.

Got to go. Next weekend na ulit..... balik ako ng PGH.


09/19/10 04:08 AM #218    

 

Ludivina Lopez (Carballo)

hi friends,

kakatapos lang namin mag usap ni sarah now, hope within
the week may announcement na si sarah, thanks for the update girl, happy birthday din sa sunday.

justo thanks, ganda ng chat natin ha, tabla lang wala napikon sa ating dalawa di ba? ha ha ha,; i received the design. I'll feedback sa mga details na need mo.


Itty, Hold on tight..we are praying for you and warren lalo na ikaw yung health mo naman ang naiisip ko now..

God listens to our prayers,girl.God's help is always available.

mga kaibigan di ko na kayo maisa isa pero like what tolights and itty said, this group is really a source of
our strength and encouragement, this is God's way of lighting up the gloomy things we have in life, lilipas din ito, its God promise.

looking forward to announcements in the next few days!

God bless batch 84.!

ludy

09/19/10 05:43 AM #219    

 

Marilyn Catunao

bATCHMATES,

dELIGHT OURSELVES IN THE SIGHT OF THE lORD AND YE SHALL GIVE YOU THE DESIRES OF YOUR HEART....God is our refuge and strength a very present help in trouble.....

The God of the mountain is the God in the valley....

Casting all your cares upon Him for he careth for you....

itty,

we always pray for you...God never leave you nor forsake you .....

I will try to visit you in PGH i dont know until when you will be staying there....

Take care,

lyn

 


09/20/10 09:53 PM #220    

Ana Alver (Maniwang)

Itty,maraming   love ka,hayaan mo God has reason for this ,you may not understand right now but someday you will.challenge sa atin yan huwag kang bibitiw ,kung mangyari man sasaluhin ka namin.fight lang lagi ikaw na rin ang nagsabi bigla bigla may dumarating na tulong,we will pray 4 u and ur entire family.


09/21/10 11:48 AM #221    

 

Ludivina Lopez (Carballo)

yes ana, tama ka. Your high school friends labs you . and we are praying for you always.

when im reading what ana wrote, i saw this message in the book i am reading at the moment (yes,

nagmamarunong ako eh, kaya kinakaya ko mag read ng sabay, bagsak kasi ako sa reading activity nung grade school, he he jokes.. just want to lighten up the mood for all of us.)

 

this message is not only for me, but for you itty, i can feel it in my heart and for all of us...

" since the first day that you set your mind to gain understanding and to humble yourself before your God, your words were heard, and I have come in response to them..."

                                                                                                     Daniel 10:12

(from the miracle results of fasting by dave williams)

 

May the Lord bless you all. take care. smile guys, we will see each other on december 27-29,2010!

 

ludy basha

 


go to top 
  Post Message
  
    Prior Page
 Page  
Next Page