Neil Vargas

Profile Updated: June 13, 2010
Neil Vargas
Residing In: UPPER MARLBORO, MD USA
Occupation: THERAPHYS O NAGHIHILOT
Spouse/Partner: LANA
Children: REJUVELENE 1995 ; MIGUEL GRANT 2002
Yes! Attending Reunion
Comments:

WOW SINO NAKAISIP NITONG WEB SITE, ang hrap pagkatapos ng 86 grad, nagtrabaho ako kagad sa factory, nagaral ako ng vocational 2yrs , dyan sa guadalupe IETI COMPUTER TECH, 87-90 trabaho ko sa forwarding,trucking,, 90-2000 nagsalesman ako ng gamot , nakilala ko asawa ko at kinasal 1995, ayun simula na ng hirap buhay may asawa , para kang sinumpa, 2001-07 buy and sell ako ng kotse truck, trycicle , nagkasma kami ni george aromin sa buy and sell,, napakasuerte nun ang ganda ay mali ,ang gandaganda ng asawa nya at ang bait,,po,,namann,, di ka tulad ko maganda lang ,,, period,,,!,at nag dealer ako ng softdrink at beer sa baclaran, 2001 nagtrabaho ako sa san miguel beer ahente ng beer, natutung uminom ng beer, natutung tumingin sa magagandang babae, nag dealer din ako ng mineral water, naka 100container ako araw araw , nagdealer din ako ng DAKKI PILOW , NagTAYO rin ng carinderia sa las pnas , nag tayo din ako ng restaurant sa las pinas ang pangalan SPAGHETTI NI NEIL,, spagetti ang specialty ko, SIKAT NA SIKAT AKO nun sa laspinas,, NAG cattering din ako naku po ang hirap, ako ang nag luto ako pa maghugas ng pinggan mamalengke pa, para makatipid ,,sa las pinas ,na ko nangupahan at tumira magmula ng sinakal na ko este kinasal, kasi misis ko teacher sa divine light academy las pinas, 2006 nakapply misis ko sa america sept2006 nakaalis sya, april2007 sumunod kami, wala pa akong trabaho rito kasi wala pang greencard , kaya nag hihilot lang ako ng pilipino rito ,minsan nagtuturo ako magdrive, $50 isang oras, nakaipon na ko , nag tayo ako ng water statiion 500,000 puhunan, gusto ko ng maraming water station yun ang target ko baka meron tayong ka batch na marunong magtayo o dealer ng water purifier,
at filter makatulong ako, sya nga pala pamangkin ako ni rebecca velasco teacher sa chemisry at biology, namatay sya 2006 cancer sa lungs, may negosyo din ako d2 saladmaster ibig sabihin kaserola, pambirang kaserola yan $1000 isa, pero ang daming kong nabentahan , $3000 ang kinukuha ng isang kostomer, at baka meron na kayong sakit ? high blood , hangang cancer all na alam nyong sakit ,,,gumagaling dahil sa mahiwagang bato na binebenta ko at ni rerent ng mga amerikano d2 sa lugar ko, ang daming ko ng natulungan na amerikano d2 ,, kaya lang baka d nyo kayang makabili,, $500 ang bracelet $1200 ang necklace, $10 ang rent ng stone bed,ko, konti lang pilipino ang costomer ko,,sa bato, ,, puro americano,naloko ko yata sila ,, pero gumaling sila,, ang laki ng pasasalamat nila sa kin,,,

School Story:

di ko alam paano ako naka pasok sa pio, alam ko sa polytecnic ako mag high school, nung malaman ng mother ko na 1pm -9pm ang pasok ko kinausap nya ang anti ko si mrs velasco, na tulungan ako na makapagaral sa pio, kinausap ako ng anti ko nun kung anong oras ang gusto ko ? sa umaga o panghapon? pinili ko,,panghapon ang lakas ko sa anti ko kahit section A kaya nya kong ilagay ,,klasmate ko sa na c loneza , ang dami kong crush sa section A-B ang gaganda nila, dipa kasi ako pogi nun, kaya di ko sila makilala at mabigyan ng ng chokonut, kaya pinili ko ang pang hapon hanggang 3rdyear kasi natitinda ako sa umaga ng newspaper, sumisigaw ako ng ganito, peoples ,balita ,bulletin, tempo daily express, at tiktik, ay joke lang , ang hirap gising ako ng 4am araw araw,grade 3 ,,1978,, nag simula ako magtinda ng dyaryo,,sinubukan ko magtinda sa loob ng bus ,,pambihira d ko kaya ,lagi akong sumusubsub sa bus ,, pag nagsusukli ako , kasi biglang brake,, puro minibus pa nuon sa EDSA , reckles ang mga driver, pag dating ko ng 4th year tigil na ko sa pagatitinda , nakakaramdam na ko ng hiya ,,kaya iba na tininda ko kalamay naman , sigaw ulit ako , KALAMAY KINAKAMAY, KAYA PAG NA RINIG NYO BOSES KO ang ganda ng boses ko , natuto akong manood sa LOLA THEATER ISANG BAYAD 2 MOVIE MAPANUOD MO, kaya lang may libreng surot, natuto akong mamasyal sa ayala nung 1st year ko kasama sina manalang ang sarap sa ayala withyour clasmate,
1st year si mr. casuncad ANG adviiser namin, hinagis lahat ang mga lalaki sa blackboard at uupakan kami ni mr,casuncad wasak ang blackboard ,, binitbit kami sa kwelyo, sabay hagis ,, at ANO LALABAN KA ,, ISA ISA KAMI, ang aga ng uwian nung time na yun , di kamipinauwi hanggang gabi,,, loko loko kasi sina manalang ,, sumisigaw kay ser ng S_POT ,,S_POT,,
Ang bait ko kay ser pagdating ko sa hapon sa skul, punta nako sa kanya hinuhugasan ko plato nya araw araw, pinabibili nya pako ng ulam nun tapos IHAHAGIS LANG PALA AKO SA BLACKBOARD DI YATA AKO NAKILALA SA GALIT,TAPOS ANG GRADE KO SA KANYA 76 ,, aray ko po pahamak kayo manalang obero.aromin,clamucha,sanmateo, rubio,,sabi ko na sa inyu T_LI NA!
Ayaw nyo pa manniwala ,..
,NAKITA KO,,
TAPOS tawanan sila ng tawanan habang umuuwi kami , ako naman malungkot, baka damihan ng plato ang huhugasan ko bukas,,
1st year baon ko 2piso 50cent sa jeep papunta , 50 cent pauwi, piso ang pang reses, sa labas pa lang ng skul naubos na ang 50cent para sa resses ko, 50cent nalang ang natitira, mani na lang ang nabibili ng pera ko,, para di halata na di ako nakakain ng reses..
2nd year 4pesos na baon ko ,
3rd year 5 pesos na
4thyear 10pesos na nakakanuod na ng sine,,,
3rd year, nagtinda naman ako sa mga klasmate ko ng sampalok, piso isang supot, pag katapos bumili ng mga klasmate ko itatabi ang buto, pag nag recite na ko sa harapan ,, pag di na ka tingin ang teacher, ginagawang basketball yung bulsa ko, lahat ng buto na ishoot na sa bulsa ko,, pati babae sumasali rin , naku po,, sina greg advicula at arthur buss ang pasimuno,, kalaban ko sa pag titinda si ms, rosita talana pilipino teacher namin ,nung 3rd year CHICKLET NA BUBBLE GUM NAMAN ANGtinda nya,, pagkatapos manguya lahat ng gum, nakadikit na sa kisame,,, pambira,,may nagtitinda ng yema ,,lahat ng selopin ng yema nakadikit naman sa mga ilaw,, parang beerhouse,, colored and ilaw namin, galit na galit si mrs velasco,,
4th year lagi akong nakikipag talo nun sa teacher ko sa politika, tungkol kay marcos, alam nyo naman aquino ang school natin , maka aquino din ang mga teacher natin, eh marcos ako, kaya yun binaksak ako , aray ko po , ilokano kasi kami kaya ganun, pero ngayon VILLAR NA ! , MAKAKABOTO RIN KAMI D2 SA USA, GUSTO KO SI VILLAR , PARA MAILIBING NA SI MARCOS, ang alam ko hanggang di naililibing ang dati nating presidente hindi tayo makakasulong, kaya pag kumikita ako d2 sa U,S pinadadala ko kagad dyan sa pilipnas para makatulong sa mga plipino, magtatayo ako ng maraming business sa pilipinas, di lang para kumita ,para magkaron ng hanap buhay ang mga kababayan natin, KAYLAN KAYA YUN? Wag lang mawalan ng pagasa, sa mga klasmate ko, mahirap ang batch natin , nagkagulo dahil sa politika, sa na isa sa atin ang papasok sa politika at lalaban kay mayor binay, ops makabinay pala ako, VILLAR TAYO, AY AQUINO NA LANG, ERAP NA LANG KAYA,kasi para sya sa MAEERAP,
O HINDI VILLANUEVA NALANG PARA MAKA DIOS . GORDON ANG MISIS KO , BAKA IPA DEPORT NYA KO . ARAY KO PO!

What was your Class Section

G

Who was your Class Adviser

Mrs. Lambino

Give the full names of two of your buddies in high school.

1ST YEAR SECTION P.... ARNOLD MANALANG,
ALLAN OBRERO GEORGE AROMI, ALLAN DATU,
EDUARDO CLAMUCHA
2ND YEAR SECTION O....EDWIN CABATAC

3RD YEAR SECTION F....ARTHUR BUSS
RAMILO DELFIN, LAWRENCE CONCEPTION

4TH YEAR SECTION G....NOEL ADDATU NICASIO DE PAZ
RAMILO DELFIN , LAWRENCE CONCEPTION
ALBERT MACOGAY, CESAR OJEDA,
NICASIO DE PAZ

Neil's Latest Interactions

Hide Comments
Neil Vargas has a birthday today.
Jul
27
Jul 27, 2023 at 1:33 AM
Neil Vargas has a birthday today.
Jul 27, 2022 at 1:33 AM
Neil Vargas has a birthday today.
Jul 27, 2021 at 1:33 AM
Neil Vargas has a birthday today.
Jul 27, 2020 at 1:33 AM
Neil Vargas has a birthday today.
Jul 27, 2019 at 1:33 AM
Neil Vargas has a birthday today.
Jul 27, 2018 at 1:33 AM
Neil Vargas has a birthday today.
Jul 27, 2017 at 1:33 AM
Neil Vargas has a birthday today.
Jul 27, 2016 at 1:33 AM
Neil Vargas has a birthday today.
Jul 27, 2015 at 1:34 AM




agape