Message Forum


 
go to bottom 
  Post Message
  
    Prior Page
 Page  
Next Page      

05/08/10 03:53 PM #72    

 

Renato Garcia

Diones, okay lang din ang ping pong at medyo natututo na rin ako at heto nga lang minsan ang ginagawa namin during working hours kaya lugi ang negosyo ng navy sa amin ngayon hehehe. Ako nga matagal na din hindi naglalaro pero babalik na uli sa gym para maglaro ng bb.

 

HAPPY MOTHER'S DAY TO ALL MOM!!!!!!!!!!!!!!!


05/10/10 10:33 PM #73    

Ana Alver (Maniwang)

wow malayo na ang narating ng kwentuhan nyo medyo nawala ako,sorry guys i have to attend to my hubby dumadalas na kasi ang headaches nya nagwoworry nanga ako eh.8x lang naman kaming pabalik balik ng hospital ,bukas pinababalik na naman sya awang awa na nga ako halos di makatulog. panay na nga ang dasal ko kung pwede akin na lang,now medyo ok sya at sumaglit ako dito sa computer. magandang idea yan ako ang magchecheer sa inyo basta ipanalo nyo.pwede palang import ang anak ko three pointer sya ,player sya nung high school ngayon sumasali sya sa liga sa base kalaban ang mga sailors. diones dahan dahan ang pag wowork out baka mabinat ka hehehe ayaw pang aminin ur not getting any younger,like me marami na ring sumasakit sa katawan.ikaw naman renato isa isa na yatang nakakalas ang mga buto mo,bakit kanaman nagkaroon ng torn ligaments ? sobra bang buhat? o maling posisioning ng legs mo? o too much bb? utoy take care of urself,maaring di na rin natin maiwasan coz ang lifestyle natin before is more different than today.sige mga pards time to say bye bye..........


05/11/10 10:18 AM #74    

 

Renato Garcia

Ana, torn ligament dahil sa pagtakbo ko everyday dahil nga nakasanayan ko na since na mag-join ako ng navy at alam mo naman na kailangan namin ito sa training at siyempre sa kalalaro din ng BB.  In two weeks pa naman ang surgery ko at alam ko na ang gagawin kong teraphy dahil nga sa experience ko sa right knee ko na same injury. At siyempre tumatanda na tayo at dito na natin nararamdaman ang iba't-ibang sakit sa katawan.


05/11/10 10:08 PM #75    

Ana Alver (Maniwang)

alam mo parang ganyan din ang nararamdaman ko,sumasakit ang tuhod ko everyday naman akong naglalakad minsan nga may tumutunog sa tuhod ko bigla na lang ang sakit. last year talagang super sakit hindi ako makalakad pero kahit ganon nagwork pa rin ako kailangan eh.but this year work pa rin pero di na katulad ng dati kasi i have to take care of myself di biro ang magkasakit,lalo na ang masurgery. ngayon under ako ng isang rheumatologist little by little nagiging ok na ako,kaya lang lagi rin akong may appointment mahirap mag off sa work. hope maging ok ang surgery at wala naman sigurong magiging complication dahil katulad ng sinabi mo u had one before.diones ok ka pa ba dyan? musta na ang mga ka fb mo? wala na nga akong balita tungkol sa reunion meron ka ba? tell me naman o....


05/12/10 01:58 PM #76    

 

Diones Pallones

Yes Ana and Renato medyo tumatanda na tayo pero kailangan pa din mag exercise kasi minsan lagi lang tayo nakaupo. Dapat maski konting walking o treadmill pwede na para lang maexercise ang puso at ang ibang muscles.. Ok yang routine ni Renato jogging pa din everyday ako nga try ko mag treadmill maski papano kasi dati weekend lang ako nakakalaro ng BB. Kaso minsan tinatamad ako at puro tulog hahahaha… Rene last batch ka ba sa Navy recruitment sa Naval base? Di pwede ka ng mag retire next year. Kasi yong isang friend ko magreretire na siya next year. Ana minsan minsan din ako sa fb pero madami na din doon busy lang sila sa Farmville at Mapia hahaha…


05/13/10 07:51 PM #77    

 

Renato Garcia

Diones, hindi pangalwang taon pa ako bago magsara ang base diyan at magre-retire na ako this year pero it looks like ma-extend pa ako until next year dahil dito sa gagawin na surgery pero okay lang din ma-extend kahit paano ay may trabaho pa din. Ana, mahirap talaga ang nagkakasakit at kawawa ang mga mahal natin at isa pa tayong aasikasuhin. MInsan nagsu-shoot around na lang ako sa half court dahil masakit nga ang tuhod ko pero kaya ko pa rin tumakbo ng mabilis kaso lang sa gabi naman ang sakit ng katawan, wala pa naman akong salompas hehehe. O sige basta ingat lang tayo palagi at magkikita-kita din tayo balang araw.


05/17/10 11:55 AM #78    

 

Diones Pallones

Renato ok yan paayos mo muna knee mo bago ka magretired. Ako ang masakit sa akin yon sakong ko sa katatayo siguro minsan kasi 6 hours nakatayo at medyo bumigat din hehehe.. Sana kung magkikita-kita tayo ok pa mga tuhod natin hahahaha...


05/17/10 02:54 PM #79    

 

Renato Garcia

Diones, sisiguraduhin ko na maaayos ang tuhod ko bago tayo magkita-kita para naman kahit paano ay makapaglaro tayo ng bb. Gustong-gusto ko na nga na magretire dahil iba na rin ang takbo ng navy ngayon,, mas marami ang BS kesa sa trabaho kaya nga nasa time din na magre-retire na ako.

 

Ana, kamusta na? mukhang busy ka lately at wala ka ng time kahit sandali lang sa forum natin. Kamusta na pala si mister? okay na ba siya ngayon, mahirap talaga ang katayuan niya dahil sa nararamdaman nya.. Basta mag-iingat lang siya sa mga kinakain nya.


05/21/10 06:24 AM #80    

 

Diones Pallones

Renato, dapat maplano natin yan hahahaha... ako try ko pa din mag exercise kasi pag puro tulog medyo sumasakit din ang katawan ko hahaha. Yong sakong medyo masakit kasi sa work at yong balikat sa pagtulog hahaha..

Ana, kmusta na mr. mo? I hope ok na siya. Dapat din maglakad-lakad din siya..


05/21/10 11:57 PM #81    

Ana Alver (Maniwang)

salamat sa pangangamusta,ok na sya tapos na ang ct scan nya wait nanaman ng result.pero medyo nawala na ang migraine nya,eto bisibisihan masyadong maraming work. ang maging nanay kahit malaki na ang mga anak ko hands on pa rin ako di ko maiwasan.lately masama na rin ang feeling ko pero bawal magkasakit i need to work.next week bakasyon ako hay salamat meron na akong time mag rest.kayo naman puro bb ang pinaguusapan wala na bang bago?


05/26/10 11:59 AM #82    

 

Diones Pallones

Buti naman ok na mr mo Ana.. medyo pagbawasin lang ng kain medyo mataba yata siya..

oo nga Renato puro BB ang usapan natin..hahahaha.. Ana ganun talaga ang mga boys...


05/26/10 11:05 PM #83    

Ana Alver (Maniwang)

ur not boys anymore,besides bb ibig sabihin wala kayong life ano?why don't u talk about ur family,how about ur wives ,kung saan kayo nag meet o what provinces they live before u met. dapat proud kayong pagusapan yon.


05/27/10 02:26 PM #84    

 

Renato Garcia

May point ka ana pero ang sa akin lang ay kailangan pa ba nating malaman ito. Ano naman ang maitutulong nito sa atin. You know what i mean, don't get offended kase ako ang taong hindi interesado sa mga buhay-buhay. Alam mo ba iyong feeling na ayaw mong magtanong ng tungkol sa personal life ng ibang tao dahil may mga taong kapag tinanong mo kung saan sila nagsimula ay nagiging offended so imbes na friendship ang intention mo ay nagiging masama ang dating. Marami naman tayong dapat pag-usapan.

Diones ano nga ba ang pag-uusapan natin beside bb dahil para nga tayong walang life. Alam mo masarap pag-usapan ang mga nakaraan lalo tungkol sa lovelife pero may mga asawa na tayo at baka kapag nalaman nila ito ay baka magselos pa at pagmulan ng away, lol.


05/29/10 03:12 AM #85    

 

Diones Pallones

Minsan masarap pag usapan ang nakaraan lalo na kakilala ang pinaguusapan at nandoon din sila sa usapan at ok lang yon. Pag wala yong pinaguusapan mahirap na..hehehe..

ito Bago:

Nag start na pala pagusapan yong reunion sa Pinas.. Naghahanap ng input sa atin si Ludz at mukang karamihan gusto ang date after christmas 27-29 yata.. they need out input or suggestion..


06/02/10 08:48 PM #86    

Ana Alver (Maniwang)

mga tol magandang balita yan sana tuloy tuloy na para lahat tayo masaya,minsan kailangan nating magkaroon ng life outside ur work or even family kasi diba minsan nabobore din tayo kung laging family ang kasama natin.ako lumalabas ako tuwing stress ako sa work at saka kilala ng husband ko ang mga friends ko.alam mo renato may point ka pero kung iisipin mong mabuti may mga taong malawak ang pangunawa, kung feeling mo di maiintindihan ng wife mo ang pag usapan kung saang province o city sya galing ok lang  ,basta ako proud ako na lagi kong sinasabi na bisaya ang mister ko sa leyte sya lumaki which is wala namang masama don. like diones sabi nya tagaisabela ang wife ,tama ba diones? o baka iba naman yung na kachatko.o sige balitaan mo ako ulit diones kung umaandar na ang gulong ng reunion.


06/03/10 02:03 AM #87    

 

Diones Pallones

Ana tiga Ilocos Sur mrs ko hahaha.... ako rin half waray hehehe.. tiga Maripipi sa Layte father ko.

Di pa umusad ulit yong meeting nila nag ask pa si Ludz nang mga suggestion.


06/03/10 08:51 PM #88    

Ana Alver (Maniwang)

sorry ha diones sa dami ng kausap ko di ko na maalala kung sino at kung saan galing,thanks anyway,basta pag may news chika mo agad ha.musta ka na dyan mukhang di ka na busy,ako balik work na naman pero ok lang enjoy naman eh...


06/05/10 12:13 PM #89    

 

Diones Pallones

Oo medyo relax ng konti at sa June 26 pa ang klase..

Si Renato medyo busy na yata. Tol na sa duty na ba?


06/06/10 06:58 PM #90    

 

Renato Garcia

mga tol pasensiya na at nalipat kase ako ng work division. Dati kase sa billeting (Front Desk Clerk) ako nagta-trabaho at ngayon ay nalipat na ako sa PSD at nagpa-process ng mga records. I am trying to learn this job kase malapit na akong magretire at medyo itu-turn over na sa civilian ang mga works doon kaya nasa loob na rin lang ako ay pwede ko na rin applyan ang trabaho doon.

 

Ana, wala naman problema sa misis ko, ang sinabi ko in general kase nga mayroon mga loveones na very sensitive pagdating sa ganoon. Pero kahit ganito ang itsura ko ay sobrang selosa ng misis ko hehehe, taga-marinduque sila pero sa valenzuela siya tumira noong nagta-trabaho siya sa SM.

Sana nga ay makapag-decide na sila ng date para naman malaman namin kung makakapunta kami o hindi. Pero sa August 9 ay biyahe kaming magpamilya sa California at balak ko silang ipasyal uli sa Hollywood at disneyland bago man lang ako magretire.


06/09/10 09:42 PM #91    

Ana Alver (Maniwang)

that's good at lagi kang may panahon  sa mga anak mo ,kasi masyadong mabilis ang panahon ,mamaya lang  ayaw ng sumama sa atin yang mga batang yan coz may sarili na silang lakad. kaya hangga't sumasama pa sa inyo make the most of it. saan ba ang marinduque ?naririnig ko lang sya pero di ko alam kung saan sa pi.kita mo may matututunan pa ako sa misis mo,kahit di mapuntahan at least alam ko kung saang parte ng pi sya yon eh kung sasabihin mo. hello diones ang tipid mo namang magsulat siguro nagmamadali ka ano?aminin....hehehehe  akala ikaw lang ang marunong tumawa.....bye


06/10/10 12:51 AM #92    

 

Diones Pallones

Tama yan Ana kailangan din ngumiti o tumawa maski korni mimsan. Nakakarelax ang pagtawa at isang gamot din sa katawan narerelax ang mga muscle natin pag tayo tumatawa o napapangiti.

Maganda daw sa marinduque. di pa din ako nakarating doon pero nakikita ko lang mga photo at story about marinduque. Gitna siyang island nakapalibot Mindoro, Lucena at Quezon.


06/10/10 02:55 PM #93    

 

Renato Garcia

Ana tama si diones at sa lucena sumasakay ng Ferry Boat, mayroon akong bahay doon na two bed room na ipinamana ng mga parents ni misis. Minsan na akong nakapunta doon pero mas gusto ko pa rin sa olongapo manirahan kaya kapag nakapag-decide na kaming umuwi ay sa cabalan kami tutuloy at nandoon ang bahay namin. kaya pwede na kayong mamasyal sa amin.


06/11/10 11:59 PM #94    

 

Rosemarie Arce (Peck)

Hi Ana,Diones and Renato,

musta na kayo ang haba na nang usapan ninyo nawala na ako lol...Pasensiya ngayon lang uli ako nakabisita medyo nabusy sa work at sa mga sport ng mga anak ko.Ano na bang balita sa Reunion dyan sa Pinas? talaga bang tuloy? Ito kanina kausap ko si Sarah sa FB at tatawagan niya s Leila baka sakaling may balita mamaya.I let u know guy's.o sige Diones balitaan mo din ako dyan?


06/14/10 11:21 PM #95    

Ana Alver (Maniwang)

mga tol get together is set on july 3rd,renato ok ba sa yo,dito sa house namin gaganapin.thhat's accdng 2 sara, ibibigay ko sa inyo ang update pag sure na si sara.kita mo na renato di ko alam na close ang marinduque sa lucena yun bang nasa quezon? may natutunan ako ngayon di ba ayos yon.reply pls......


06/15/10 03:26 AM #96    

 

Diones Pallones

Ok yan Ana at may get together kayo jan sa US.. wala pang balita sa pinas medyo busy yata si Ludz kasi pasukan na ng mga bata..

Rose si Ludz at Sarah ang magplaplano pero wala pang update...


go to top 
  Post Message
  
    Prior Page
 Page  
Next Page