Message Forum


 
go to bottom 
  Post Message
  
    Prior Page
 Page  
Next Page      

04/15/10 05:09 PM #47    

 

Renato Garcia

ikaw talaga Ana, alam na alam mo ang dahilan ng mga tao dito sa states pagdating sa mga hindi nakakasagot sa email o sa tsikahan na walang alam na idahilan kundi busy. Okay lang naman ako at malapit na din mawalan ng trabaho sa end of november. Mayroon akong 2 angels 7 and 13 at balak na din naming bumalik ng pinas sa next year.
Si Derek ay nasa olongapo pa rin, meron nga siyang tailorshop sa palengke sa papuntang bagong asinan elem school. Tama, si Diones na lagi siyang nakakasama kapag umuuwi sina ludy.

04/17/10 11:31 AM #48    

 

Diones Pallones

tama, Renato ako yong laging kasama nila Ludy at Ana Antonio. barkada ko din noon sina Noli, Julito, Andres at si Melvin.. Kayo jan sa US talagang puro work lang pero maski papano nagkikita-kita pa din naman kayo.. Musta na Lyn busy na ba sa study and work.. si Emes ganun din study and work kaya busy..Diba ang summer dyan Ana, August ba?


04/17/10 06:00 PM #49    

 

Renato Garcia

Diones, so far sa fb ko lang nakikita ang mga batch natin dahil malayo naman ako sa kanila. Ang nakita ko pa lang sa kanila ay si Evelyn Muyano dahil napasyal kami ng virginia pero matagal na din yon. Nandito naman ako sa WA at karamihan sa kanila ay nasa California. Summer namin dito ay start ng June until August.


04/19/10 09:25 PM #50    

Ana Alver (Maniwang)

mga kababayan salamat naman at may kabalitaktakan na ako,thank God at ok ka na diones,siguro puro ka work hoy! maglibang ka naman kasi we need it.we,re not forever young. at least ngayon nadadagdagan tayo ng kabalitaan. namiss ko ang makichat kasi napasok ng virus ang computer namin ,buti na lang nagawa na ng anak ko. renato akala ko nasa texas ka nung huling nag usap tayo.bakit uuwi na kayo ng pi,ayaw nyo na ba dito? di ba mas mahirap sa atin walang work na mahanap at saka yung previledge ng mga anak mo na mag-aral dito sayang. o baka nakapag decide na kayong mag-asawa,think it over and aer again ,yung lahat gagawin para lang makapunta sa amerika maraming naiinggit sa posisyon natin ngayon.kami before yun din ang plano namin ,unfortunately nagkasakit ang asawa ko ,na heart surgery sya nabago lahat ang plano.at saka bata pa ang mga anak ko ,kaya we decided na mag stay na lang ,di rin pwedeng umuwi ng matagal kasi naka program ang difibrilator ng asawa ko,hay buhay.basta ngayon ok sya at di na ako nagwoworry kasi libre naman lahat pag sa pi kami baka may out of pocket expenses pa kami.si pamela nga pala nakakausap moba?sabihin mo magjoin sa website.si evelyn muyano naman she was here last year ,sa work nya yon ,but she will try to come here again sa summer reunion,sana matuloy wala pa rin akong balita.si derek naman wala na syang pwesto sa pag-asa pinuntahan ko last nung umuwi ako kaya alam ko na wala na sya sa gapo


04/20/10 08:15 PM #51    

 

Renato Garcia

Ana, sa hirap ng economy natin ay ayaw ko ng mag-isip pa kung saan kukuha ng mga pambayad ng bahay, At least kung sa PI ay kayang-kaya na ng retirement ko. Anytime naman ay pwede kaming bumalik dito at gusto ko lang din ma-experience nila ang school sa atin at isa pa okay naman ang pagtuturo sa atin ah, katunayan nga tayong lahat na doon lumaki at nag-aral pero naka-survive tayo dito sa states. ako nga din nagkaroon ng heart disease last August 2009 at sa Singapore ako naoperahan pero okay na ako ngayon at isang stint lang ang inilagay sa puso ko. Pero tinitingnan ko pa rin kung makakita ako ng trabaho dito ay baka mag-stay na din kami at patapusin ko na ang mga bata dito. Si Pamela pala ay hindi ko pa nakakausap dahil nalaman ko lang sa fb na nandito siya sa WA, hayaan mo at magpapadala ako ng message sa kanya to join our forum.


04/20/10 09:47 PM #52    

Ana Alver (Maniwang)

alam mo renato iba ang turo sa atin mas mahirap kaya nga tayo nakasurvive,dito ang mga exam mas marami ang multiple choice,nakalay out na ang mga sagot pipiliin mo na lang.nung college ako kailangan kong sauluhin ang buong libro bago ko maipasa ang isang subject may thesis pa.iba lang kung dito naka graduate ang mga anak mo hindi sila pahuhuli sa competition pagdating sa work.sabagay nasa inyo naman ang desisyon ako nagbibigay lang ng opinion,ako gusto talagang mag stay nasa pi kaya lang marami akong mas priority,like sa medical ng husband ko,schooling ng mga anak ko at saka ang trabaho ko,sayang naman ,gaya ng sabi mo mahirap ang buhay ngayon.hindi lang ang mga anak ko ang pinagiipunan ko pati pagtanda namin ng asawa ko. gusto kong umuwi sa pi pag stable na ang mga anak ko at may sarili na silang mga pamilya. lahat naman ng mga parent ganyan ang hiling para sa mga anak,pero sana nga matapos nila ang college para walang worries.teka nga pala may balita ka ba kayreynante? last kong nakita yon nung nagkaroon ng reunion sa bahay ko sa housing pa year 2003 yata. alam ko malapit sya sa amin nakatira noon kasi nakausap ko si allan alcantara nakuha nya ang no. ko kay jaime alindogan kung kilala mo pa sila, by chance ko lang nakikita si reynante ,di naman binibigay ang no. nya.


04/22/10 12:35 AM #53    

 

Diones Pallones

Medyo nag ka Flu lang ako kasi nagpalit ng klima dito painit na. Tama ka Ana madaming gustong pumunta jan sa US para magsettle pero jan puro work. Pero may advantage mga anak niyo kung US citizen lalo na sa work. Iba pa din sa Pinas maski kulang ang kita medyo masaya. Kung may pension kayo na galing dyan sa US mabubuhay na kayo lalo na from military pension kaya na yon. Maganda ang turo sa atin kasi nagiisip ng mabuti at nagagamit ang utak. Ganun nga din dito multiple choice din ang mga exam nila. maiba ako, si Thelma  Defeo may balita din kayo?


04/22/10 04:14 PM #54    

 

Renato Garcia

Diones may point ka sa sinabi mo at iyon nga din ang iniisip ko dahil at least may advantage pa nga din kami na tumira diyan dahil may expected income kami on a monthly basis.


04/23/10 08:20 PM #55    

Ana Alver (Maniwang)

alam nyo pag ako ang nagiisip hindi lang sarili ko ang iniisip ko syempre pati pamilya ko.kayo ba tinatanong nyo ang mga anak nyo kapag may pinaplano kayo ng mga asawa nyo? kasi kaming mag-asawa lagi naming pinapahalagahan ang mga opinion nila wheter bata sila o ngayong malalaki na sila kasi pamilya kami yun ang kaibahan namin sa iba. long term effect ang lagi naming iniisip,pati paglipat ng bahay ,school at iba pang bagay para malaman nila na lahat ng desisyon nila mahalaga sa amin.


04/23/10 09:26 PM #56    

 

Renato Garcia

Siyempre naman ana kinakausap din namin sila at binibigyan din namin sila ng consideration at iniisip din namin ang kapakanan nila bilang mga magulang. At tinitingnan din namin ang mga advantages and disadvantages ng mga hakbang na gagawin namin. Siyempre importante ang mga opinions ng bawat family members at pinag-iisipan din naming mabuti ang mga ito.


04/26/10 10:19 PM #57    

Ana Alver (Maniwang)

renato alam mo ba na ang mga anak natin pag nagkaroon na sila ng sarili nilang pamilya they wil do things on how they were brought up. kasi they knew how things will turn out kung ok ang outcome. ako ang alam ko "sana " ha na magiging ok ang mga anak ko someday,coz everything that we've been through may natutunan sila at nagmature ang panganay ko hindi nga lang angbunso maybe konting training pa. i let them decide kung ano ang gusto nila sa college hindi purket nursing sng indemand yun ang ipapakuha ko sa kanila i'm not like that ,gusto ko pag nag college na sila gusto nila ang kursong kinuha nila.ayaw kong someday ma blame ako ng mga anak ko,that's their lives we're here to guide them,let them realized what life is all about.it can't be perfect,there willbe thorns  along the way but that's how they will learn .

 

 

 

 


04/27/10 08:29 PM #58    

Ana Alver (Maniwang)

diones nasaan ka na? magparamdam ka naman,ok ka lang ba? wala ka ng balita sa amin o busy ka sa fb?


04/28/10 10:57 AM #59    

 

Diones Pallones

Ana medyo na busy lang ng konti at tulog paggaling ng work sa gabi gawa ng lesson hahaha... tama kayo sa pagpapalaki ng mga anak niyo. they should know how to decide. Panganay ko nga siya na ang nagpreprepare ng breakfast niya since grade 5 pa lang siya at kailangan marunong na sila agad mamuhay ng maaga at mga gawain sa bahay. Tama yong gusto nila ang kukunin nila sa college kasi mas makakatapos sila. Pero kung bata pa lang siyempre minsan tayo na ang nagdedecision.


04/28/10 11:18 AM #60    

 

Diones Pallones

Ana di rin ako masyado sa fb ng check lang ako minsan kung may bago messages, yong farmville ko nga tagal ko ng di nabuksan kulelat na nga di gaya ni Crane hanep sa farm ang laki na hahaha...


04/28/10 03:59 PM #61    

 

Renato Garcia

Ana, I concurred with you dahil sila ang hahawak ng sarili nilang buhay at every decisions they made ay sila ang masusunod dahil ang papel natin ay to guide them in good directions. Sa ngayon nga ang panganay ko ay balak maging AF Officer pero meron din siyang plan B na kapag hindi nya nagawa ang una ay gusto nyang maging nurse or doctor kaya nga medyo malabo din ang pag-uwi namin sa pinas.  Pero alam mo pinagdarasal ko din sa Diyos na ilagay nya kami kung saan kami nararapat dahil alam ko din na both ways kahit saan kami tumira ay magiging maayos ang buhay namin. Siyangapala, kapag may murang ticket pauwi sa atin sa August ay uwi kaming lahat dahil gusto din makita ng mga anak ko ang school sa atin pero kung walang mura ay babalik na lang kami ng California para mamasyal.


04/28/10 09:11 PM #62    

Ana Alver (Maniwang)

mahal nga ang dec. kaya kahit masaya ang pasko sa atin we settle for less, ang mahalaga makauwi kayo. ako nga free na nga ang fare dahil sa kuya ko di pa rin ako makauwi. gusto nya kumpleto kami sa 25'th wedding anniversary nya di maiwan ang pamilya ko nagwoworry kasi ako like last nigth di makahinga pag nakahiga ,bloated sya ayaw nyang matulog baka raw di na sya magising eh di wala rin akong tulog. kaya habang nagwowork inaantok ako,hay buhay! pero i'm not complaining for better or for worst. mas marami akong dapat ipagpasalamat sa Diyos and i'm grateful for that.diones give my regards sa mga kafb mo ha yung nakakakilala lang sa akin,at saka pagaling ka ng husto like you wala kang kasama dyan i'm sure miss na miss mo na ang family mo,kami tapos na dyan retired na ang husband ko mahirap talaga minsan nakakasira ng ulo. konting tiis lang para naman sa pamilya mo yan at lagi kang magdarasal na sana lagi kayong safe kahit malayo kayo sa isa't isa,at wag na wag kang titingin sa ibang chick mahirap din para sa misis mo na wala ka.God bless u always...


04/29/10 02:25 PM #63    

 

Renato Garcia

Diones tama si Ana na huwag kang titingin ng iba pero pwede kang tumingin sa iba (nakita mo ang difference ng at sa iba) basta lagi ka lang magdarasal na ilayo kayo sa tukso at sigurado ako na hindi ka maliligaw ng landas, magpagaling ka.  Ana, alam ko ang nararamdaman mo dahil ako nga ay may sakit din sa puso kaya si misis ay panay din ang check sa akin habang ako ay natutulog. Basta ana huwag lang kayong mawalan ng pag-asa dahil hindi naman natutulog ang diyos. Ako nga hindi ko rin alam kung kailan aatake uli pero ipinapa-Diyos ko na lang at enjoy ko na lang ang buhay.


05/01/10 11:22 AM #64    

 

Diones Pallones

Ana wag kang mag alala good boy ako hahaha... tama si Renato patingin-tingin na lang hehehe...


05/04/10 08:53 PM #65    

Ana Alver (Maniwang)

mukhang ok ka na diones ,hay salamat at oks na oks kana . alam ko namang goodboy kang talaga talaga kasi i can feel it at saka ikaw renato kasi wala akong nabalitaang pinaiyak kang girl,o sadyang malihim kalang hehehe....sabagay since elemetary tayo wala akong nabalitaang gf mo o tinatago mo lang? nagtatanong lang po. anyway lahat tayo nagmature at sigurado ako marami tayong natutunan sa lahat ng mga problemang dinaanan at dadaanan pa natin.alam nyo excited akong makita kayo ,kayo lang kaya ang nakakabalitaan ko.sana one day magkitakita tayo mga parekoy...see yah....


05/05/10 01:23 PM #66    

 

Diones Pallones

Magaling na nga ako Ana, medyo nakakapagbasketball na nga ulit pro half court lang ha ha ha.. Excited nga din ako makita kayo.. mapalano lang natin ng husto eh madami tayo sa tamang timing ng atin reunion.. sana soon as possible.


05/05/10 01:43 PM #67    

 

Renato Garcia

Ana tama ka wala akong pinaiyak na babae sa tanan ng buhay ko since elementary natin. Ang totoo nyan ay ako ang laging umiiyak sa kabiguan dahil hindi nila matanggap na ako ang maging bf nila. Kaya tuloy binigyan ako ng Diyos ng isang babaeng mamahalin ako bilang ako. So much drama na, gusto ko rin magkita-kita tayo. Huwag kang mag-alala at kapag natuloy ako sa San Diego ay tatawagan kita para ma-meet mo rin ang family ko.

Diones, ayos naman pala at may makakasama akong maglaro ng basketball dahil iyan talaga ang game ko kaso lang ay ooperahan na naman ako sa left knee dahil may torn ligament na naman dahil sa basketball at training sa navy. pero alam ko naman na kung ano ang gagawin ko dahil may experience na ako sa right knee ko na same surgery. I'm looking forward to play BB with you.


05/06/10 07:15 AM #68    

 

Diones Pallones

Renato marami pa naman sa batch natin naglalaro ng BB kaya pwede pa tayong maggawa ng team 84 para kalabanin ang team 81 activibo pa sila..


05/06/10 11:21 AM #69    

 

Renato Garcia

Ganoon ba eh di ayos pala at makakapagtayo pa tayo ng team natin. Basta kailangan lang natin ng konting height para may laban-laban tayo, alam mo na kahit may edad na tayo ay may advantage pa rin ang tangkad. Ako naman ay medyo okay pa rin at kung ikukumpara sa age natin ay matikas pa rin dahil siguro sa training namin. Minsan sumasabay pa rin ako sa mga kabataan na edad 20-25 at hindi pa rin napag-iiwanan hehehe. At meron din tayong mga cheering squad dahil nandiyan sina Ana at iba pa hehehe.


05/08/10 11:31 AM #70    

 

Diones Pallones

Medyo mag practice na ako kasi matagal akong di naglalaro na ng basketball, dito na lang sa half court sa tabi ng bahay namin.. 3 yrs before medyo nakakalaro pa ako ng 3 hrs ngayon 1 game na lang hahaha.. Sabi nga nila pag nagkakaedad ang boys paliit daw ng paliit ang bolang nilalaro.. Nong binata pa basketball, medyo nagkaedad tennis medyo umidad golf na, mas may edad na ping-pong na hahahaha..


05/08/10 11:32 AM #71    

 

Diones Pallones

Happy Mother's Day.....


go to top 
  Post Message
  
    Prior Page
 Page  
Next Page      



agape