Message Forum


 
go to bottom 
  Post Message
  
    Prior Page
 Page  
Next Page      

03/17/10 11:15 AM #22    

 

Diones Pallones

Tagal din kasi akong walang contact sa batch natin. At Ilang taon akong di pumunta sa Gapo. Oo late na akong nag asawa 27 na ha ha ha... then ang tagal nasundan oldest ko he he he...
Kala ko nakarecover na dyan.. sa amin sa ilocos, hindi naman umaasa sa irregation kaya alam na nila ang situation.
Nasa sa Saudi ako ngayon dito work ko. kaya pag hapon at wala akong lakad sa internet lang ako ha ha ha..
Dapat nga kung tuloy reunion natin dapat magdecision na sa date kasi mahirap mag schedule ng paguwi lalo na kayo diyan sa US.

03/23/10 12:36 PM #23    

Emesjoy Pasilan

hello Anna and diones.. may bagong message si Ludy na may pagbabago na naman yung reunion... December is good too,,sa akin I prefer after christmas naman.. bale christmas for family and relatives then after noon tayo tayo naman,, then new year kanya kanyang plano.. actually last time usap namin ni Lea Cruz.. nagbabalak kami pumuta ng Vigan, kahit 2 nights trip lang, sana nga may final date na ang reunion this year... miss you all batchmates!!

03/23/10 09:49 PM #24    

Ana Alver (Maniwang)

diones thank u sa pagtitiyaga mo sa mga kwento,at least may time ka.hope may definite date na sila ng reunion.mahirap nga umuwi magastos lalo na sa amin dito mahal ang pamasahe.buti nga kung ako lang syempre go pati ang family ko,hay buhay too many challenges we need stress relief.pero di ako nagrereklamo ha grateful pa rin ako,ok ang family ko at lagi kaming together masaya na ako don.uuwi ka rin sa dec.? so manggagaling pa kayo ng province nyo papuntang gapo,sabagay parang pasyal na rin yon.at excited ang lahat after how many long years magkikita na rin ang lahat,hanggang sa muli....bye

03/29/10 11:00 AM #25    

 

Diones Pallones

Hello Emes and Ana.. Wala pa ngang final date, Pero dapat magkaroon na kasi mahirap magpaalam sa work.. I hope makauwi ako ng reunion.. Umuwi na ko last Dec pero di natuloy reunion natin kaya di na ako nakapunta ng Gapo..

Hello din sa mga bagong natin classmates na kasasign in lang..Emanuel kmusta na?

03/29/10 06:59 PM #26    

 

Rosemarie Arce (Peck)

hi Ana,Diones and Emes,
musta na kayo? Kung ako ang tatanungin ninyo about reunion malabo akong makapunta he,he,di ako pwede mag bakasyon ng December okay ako ng January,but anyway sana matuloy na lang yong reunion dito during summer time.Masyadong mahal ang december season.yon lang po ingat kayo dyan!!!

03/29/10 08:58 PM #27    

Ana Alver (Maniwang)

reunion po dito sa tate paki set na marami ng naghihintay,isa naako don.naku diones sana makauwi ka di ba parepareho ang month ng uwi nyo? ako ayokong umasa na ican still go home malabo pa sa mata ko yon na matuloy.ienjoy nyo na lang at pa post ang mga pictures.maybe kung matutuloy ang kitakits dito sa vegas baka pwede kaya namang idrive ng anak ko at hubby ko baka sakali.

03/31/10 11:21 AM #28    

 

Diones Pallones

December kasi ang unang napagusapan. Pero pwede naman natin ilipat ang date kung alin ang makakapunta ang madami.. ako iba iba ang month ng pag uwi ko kasi sched ng school year dito nag aadjust din hahaha.. Kung summer din eh pwede rin kasi walang pasok mga bata, pero summer jan sa tate eh July- Aug yata tag ulan naman sa pinas ha ha ha.. medyo malabo din na jan sa tate ang reunion natin visa palang di na kami bibigyan ha ha ha.. Ganito na lang sabay natin ang reunion ng Pinas at Tate kung di kayo makakauwi. Pero dapat meron din umuwi galing jan sa inyo maski ilan.. tapos broadcast live he he he..

04/01/10 07:12 PM #29    

Ana Alver (Maniwang)

diones alammo pwede naman yang idea mo,problema lang sino ang mag seset -up? dito pwede namang si noli,sa pi sino eh mukhang busy ang ang mga tao sa atin.sana matuloy dito sa tate ,we did that before,ithink that was last year si doris ang ka skype namin.sigurado marami ding makakauwi lalo na ang mga single like lea.kaming may family stay na muna dito hanggang makaipon ng pamasahe at pocket money.si emes tiyak uuwi yon,pero si rose,leila ,evelyn at ako di sigurado.

04/02/10 03:38 AM #30    

 

Diones Pallones

Ana madami tayong classmates nasa IT sa pinas. schedule lang ng reunion ang dapat mafinal. Ako alanganin sa december kasi di ko pa alam ang tapos ng work naman at mahirap din magpabook ng december. Kayo pag buong family ninyo ang uuwi eh talagang dapat may budget pamasahe pa lang medyo mabigat na. Di man ako matuloy ng December pag nagbakasyon ako later try ko pumunta ng gapo.

04/02/10 08:44 PM #31    

Ana Alver (Maniwang)

diones buti ka pa uuwi't uuwi ka,kami kayod muna ng matindi bago magdedecide kung uuwi.a lot of us really wanted to go home kaso wrong timing,kung hindi nga lang naospital ang nanay ko hindi pa kami makakauwi.marami na ring nakasign up dito sa website kaya tamad namang mag update.i called sara this morning wala pang return call,busy syang masyado kaya mahirap ma contact.si sara kasi ang nag oorganized ng reunion dito,esp. pag vacation ng mga bata,sana merong get together dito this coming summer most probably month of july.

04/03/10 12:04 PM #32    

 

Diones Pallones

Marami na nga tayo dito pro minsan monitoring lang sila..Kmusta na kayo mga klasmytes? Doon sa yahoo group laging sumasagot sina Ludz at Marilyn..
Ludz at Marilyn saan na kayo ha ha ha.. pati si Crane kmusta na? si Emes medyo busy yata sa study niya.. musta na?
Marami nga nasa fb na hindi pa ka sign in dito..
Dyan sa tate masyado kayong busy sa work.. kailangan din natin minsan magrelax.. he he he..

04/07/10 11:23 PM #33    

 

Marilyn Catunao

Diones ,ana,emes,batchmates<

Kumusta kayo?Nakikita ko mga palitan ng messages niyo.I always send messages sa yahoo natin.Ana,it seems you are really working hard.Medyo talaga mahal ang pamasahe from there to Pinas.Iba pa din dito sa Pinas.Simpleng buhay.Kahit konti lang ang pera pwedeng pwede kang magenjoy kahit window shopping lang at kain sa fastfood.di ba?
Hope Ana okey naman ang family mo....?Diones lagi naman tayo nagkakausap ha ha ah....Emes kakausap lang din natin sa FB..ha ha ha.Lalo na si ludy lagi ko din yanag kausap..Hi LUdy....Sarah how are you too..Marami talagang nagkakausap sa FB kasi nga may chat doon sabi nga ni Diones.
pero sabi nga ni Ana mas maganda kung dito mag message,whats the use of this di ba? Thank you Diones Ana and Emes for keeping the ball rolling.....Ingat sa lahat...
Regards to everyone who remembers....
Marilyn

04/07/10 11:24 PM #34    

 

Marilyn Catunao

Hi Rose and Imelda...

04/07/10 11:26 PM #35    

 

Marilyn Catunao

Batchmates,
Meron ba nakakaalam sa inyo kung sino may kopya ng class picture namin ng 1V-2?
Thanks

04/08/10 09:30 AM #36    

 

Diones Pallones

Lyn yong sa aking photo ng IV-2 natabunan noong lindol sa Baguio..naghahanap nga din ako..si Ludz baka may natabi..
Bayaan mo palalagayan natin ng chat dito kay Noli ha ha ha.. kmusta mga batchmates..

04/08/10 06:26 PM #37    

Ana Alver (Maniwang)

salamat naman naglagay kayo ng message ,wala na nga kaming mapagusapan ni diones kundi puro buntong hininga na lang.batchmates ayaw nyo bang makabalita sa ibang classmatesnatin kng nasaang lupalop na ang mga bispren ninyo hehehe.pls. lang kung may nakakaalam kung nasaan si derek miranda ipagbigay alam po sa akin.sya ang natatangi kong bf.bye...

04/09/10 01:53 AM #38    

 

Marilyn Catunao

Walang anuman Ana.Di ba si derek paranag nakssama sa get together nila ludy way back 2006?Im not sure.Marami kasing section 1 ang umattend noon.Kailangan ng powers ni Ludy mahahanap niya yan si Derek..ha ha ha......Holiday dito sa pinas ngayon pero ako may pasok.long weekend holiday na naman ang mga bangko at mga ibang ofiices.
Next week start na ng summer class namin sa Nursing,magiging busy na din lalo.Pero ako kasi lagi naman dala dala ko din laptop kasi ginagamit sa school.Kapag naglelecture or may project pwede kaming maglaptop so i can open my email anytime.Mas maganda siguro sa Iphone...ha ha ha.....sana nga Diones palagyan ng chat ito.Honestly guys ako hindi mahilig sa gimmick sa labas.Most of my spare times after school or work i just stay home.Kung tapos na akong mag grocery for food sa house at mabili mga kailangan namin bahay lang talaga.
I study my lessons read books ,watch DVD CD with my son and i make sure my son is safe and secure.I always make sure he attends to his duties and obligations in school,church and home.
Sige batchmates hope i can hear naman some from you.Diones and Ana keep it up....ENJOY LIFE....GOD is Good all the time.....

04/09/10 10:02 AM #39    

 

Renato Garcia

Hello Ana,
Belated Happy b-day. Nandiyan lang ako sa San diego last week dahil pinasyal ko family ko sa Disneyland at diyan sa Zoo. Kamusta na lang sa lahat.
Renato

04/09/10 08:57 PM #40    

 

Renato Garcia

Belated Happy Birthday sa lahat ng mga nagdaang kaarawan. blow out naman

04/10/10 01:26 AM #41    

 

Rosemarie Arce (Peck)

Hello to All!!!!

04/12/10 08:28 PM #42    

Ana Alver (Maniwang)

renato bat ngayon ka lang nagparamdam,naghahanap kami ni diones ng kachikahan.salamat at nadagdagan na ang mga nakikiforum,batchmates baka marami pa kayong kilala na nandito sa merika ipamalita ang magandang balita.renato lagi kaming may reunion dito minsan sama ka naman dalhin mo family mo.hi! diones mis ko naang chikahan natin.marilyn thanks din at nakikichika ka kahit walang katuturan.sagot naman dyan.....

04/13/10 01:56 PM #43    

 

Renato Garcia

Ana, nagbago kase ang email ko dahil na-hack yung una kong email. Galing ako ng San diego noong March 30-31 dahil nga pinasyal ko ang family ko. Siguro by august ay babalik uli kami ng Cali.

04/13/10 09:53 PM #44    

Ana Alver (Maniwang)

renato nasa texas ka pa rin ba? kami always san diego di na nga kami umalis hanggang nagretire ang husband ko.sabihin mo lang kung anong definite date ang punta nyo dito ,ang alam ko may reunion this coming summer di ko lang alam ang date.may pinaplano yata dito sa temecula sana nga matuloy ,kasi di naman ako makakauwi sa dec. para sa reunion natin.masaya pag nagkitakita magulo,kami nga na halos every year na umaattend ng reunion close naang mga anak namin .sila sila ang magkakafb.keep in touch.diones ano nag nangyari sa iyo,bisibisihan ka rin ba? o talagang busy hehehe....balita naman dyan.bye

04/14/10 01:02 AM #45    

 

Diones Pallones

Ana nagkasakit ako kaya nagrest muna hahaha..ok na ko ngayon. Buti kayo jan sa US yearly ang reunion at dumadami pa.. Lyn tambay ka lang din dito para lagi tayong madami. Buti si Noli makalusot jan sa US at mukang ayaw ng bumalik ng pinas hehehe..

04/15/10 11:07 AM #46    

 

Renato Garcia

Ana, hindi naman ako na-station ng Texas. Dito lang ako sa WA tapos puro overseas na. Nandito din sa WA si Pamela Ramos bale 3 hours away from everett

go to top 
  Post Message
  
    Prior Page
 Page  
Next Page      



agape